Ipinamalas ng mga kandidata ng Mutya ning Angeles ang kanilang angking talento at pustura sa fashion sa isinagawang pre-pageant nitong Sabado, November 9 sa Angeles University Foundation Sports and Cultural Center.
22 kandidata mula sa mga barangay ng lungsod ang lumahok sa aktibidad na may kanya-kanyang taga-suporta.
Sa pagsisimula ng pre-pageant, sumayaw at isa-isang nagpakilala ang mga contestant suot ang pulang wardrobe na gawa ng local fashion designers.
Rumampa din ang mga ito suot ang kanilang swimwear at evening gown na may estilong Filipiniana na gawa ng Kapampangan designers na sina Frederick Policarpio, Marlon Tuazon, at Rosette Ramos-Biag.
Samantala, limang kandidata na napiling mataas ang score sa talent competition ang muling nagtanghal sa pre-pageant competition.
Naging hurado sa aktibidad sina Clark International Airport Corporation (CIAC) Chief Strategic Communications and Events Officer Odgie Sanchez, Hotels and Restaurants Association of Pampanga (HARP) President Donna Ravina, fashion designer Mich Viray, Central Luzon Media Association (CLMA) Pampanga President Mark Allen Sison, at Pampanga Press Club President Noel Tulabut.
Ayon kay Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., tuloy-tuloy ang paghahanda para sa prestihiyosong beauty pageant ng Angeles City.
Nakatakdang koronahan ang Mutya Ning Angeles sa November 28, 2024 sa Grand Palazzo Royale, Angeles City.
The post 22 kandidata ng Mutya Ning Angeles, nagpakitang-gilas sa pre-pageant night first appeared on CLTV36.