Nasabat ng mga otoridad ang mahigit sa ₱400,000 halaga ng hinihinalang shabu sa dalawang magkasunod na operasyon kontra iligal na droga sa Angeles City nitong Sabado, May 3.
Unang naaresto si alyas “Batal” na hinihinalang high-value target, matapos umano nitong bentahan ng shabu ang isang undercover police sa Ninoy Aquino Village pasado hatinggabi. Aabot sa 59.5 grams ng illegal drugs ang nakuha mula sa suspek na nagkakahalaga ng ₱374,000.

Samantala, sa isa pang operasyon na ikinasa sa Pandan Village, timbog si alyas “Argel” na isang street-level pusher, matapos umanong bentahan din ng droga ang isang poseur-buyer. Tinatayang nasa ₱30,600 ang halaga ng nakumpiskang shabu mula sa kanya.
Nahaharap ngayon ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. #
The post 2 tulak ng droga, timbog sa magkasunod na buy-bust sa Angeles City first appeared on CLTV36.