By Danica Jino, CLTV36 News
Nag-uwi ng titulo ang kabalen na si Raven Lansangan bilang Mister Pilipinas Manhunt International 2025 sa coronation night ng Mister Pilipinas Worldwide 2025 na ginanap sa SM Mall of Asia Arena nitong April 29.

Ang 27-year-old na si Lansangan ay isang modelo at flight attendant na kilala sa mundo ng male pageantry. Bago pa ang kanyang bagong titulo, hawak na rin niya ang ilan sa mga prestihiyosong award gaya ng Mister International Philippines 2017, Mister Pampanga 2024, at Mister World Pampanga 2024.
Ang pagkakatalaga sa kanya bilang Mister Pilipinas Manhunt International ay nangangahulugang siya ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa nalalapit na Mister Manhunt — isa sa mga pinakaprestihiyosong male pageant sa buong mundo.
Todo suporta naman ang mga Kapampangan, lalong-lalo na ang Mister Pampanga organization, sa tagumpay na nakamit ni Lansangan. Buong pagmamalaki nila siyang inilarawan bilang isang modernong Pilipino na may porma, talino, galing at paninindigan.
Samantala, nasungkit din ni Lansangan ang Mr. Photogenic sa gabi ng coronation.

Narito naman ang iba pang nagwagi sa naturang kompetisyon:
- Mister Pilipinas-International – Kirk Bondad
- Mister Pilipinas-Man of the Year – Michael Angelo Toledo
- Mister Pilipinas-Eco International – Kitt Cortez
- Mister Pilipinas-Supranational – Kenneth Cabungcal
- Mister Pilipinas-Global – Jether Palomo
- Mister Pilipinas-Cosmopolitan – Kenneth Marcelino

The post Kabalen Raven Lansangan, kinoronahan bilang Mister Pilipinas Manhunt International 2025 first appeared on CLTV36.