Muling magtatagpo sa hardcourt ang dalawang powerhouse teams na Pampanga Giant Lanterns at Quezon Huskers para sa isang mainit na rematch sa 2025 Regular Season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).
Gaganapin ang kanilang tapatan sa Quezon Convention Center sa darating na Sabado, May 10.

Hindi pa tapos ang kuwento. Matapos magtapat sa finals noong nakaraang season ng laro, kung saan itinanghal ang Pampanga bilang kampeon, bitbit ngayon ng Quezon ang matinding depensa at determinasyong makabawi sa kanilang sariling teritoryo.
As of May 4, 2025, nasa 3rd spot ng kompetisyon ang Giant Lanterns para sa north division, habang nasa number one spot naman ang Quezon Huskers sa south division.
Kaya, simula 8 PM sa May 10, asahan ang mainit na sagupaan sa pagitan ng mga bituin ng dalawang rehiyon. Walang atrasan, walang bigayan. Puro diskarte at galing sa basketball ang huhulma sa panalo.
Makauulit kaya ang Giant Lanterns? O makagaganti na ang Huskers sa kanilang homecourt? ‘Yan ang ating tututukan. #
The post Pampanga Giant Lanterns at Quezon Huskers, muling magtatapat sa 2025 MPBL first appeared on CLTV36.