
Aabot sa mahigit 11,000 families na nasalanta ng Super Typhoon Carina noong 2024 ang unang nakatanggap ng tulong-pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 3 nitong Martes, June 24.
Sa ilalim ng Emergency Cash Transfer (ECT) program, tumanggap ang bawat benepisyaryo ng ₱5,625 na magagamit nila sa mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tubig, gamot, at iba pang pang-araw-araw na gastusin.

Isinagawa ang pamamahagi sa mga bayan ng Abucay sa Bataan, at sa Arayat at Candaba sa lalawigan ng Pampanga.
Mahigpit ang ipinatupad na seguridad sa payout sites sa tulong ng Provincial at Local Disaster Risk Reduction and Management Office at Philippine National Police upang matiyak na maayos, mabilis, at ligtas na distribusyon ng ayuda.
Bahagi ang ECT ng tuloy-tuloy na disaster response ng DSWD upang agad na matugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang unti-unting bumabangon mula sa mga pinsalang dulot ng kalamidad. #
The post Survivors ng Super Typhoon Carina, nakatanggap ng cash aid first appeared on CLTV36.