
From Pampanga to Quezon City to the world, iba’t ibang lahi ang natakam sa kilalang putahe na sisig matapos itong itampok sa Season 8 ng Netflix series na “Somebody Feed Phil”.
Isa ito sa mga bumidang local dish sa Episode 7: Manila kung saan in-explore ng American TV writer and producer na si Philip Rosenthal ang Filipino cuisine.
Kasama ni Rosenthal sa culinary adventure ang content creator at James Beard awardee na si Erwan Heussaff. Sinadya nila ang Kapampangan-owned restaurant na Trellis sa Quezon City.
Dito ay personal na inihain ng owner at kabalen chef na si Claude Tayag ang beloved dish na sizzling sisig. Ibinahagi rin ni Heussaff ang kasaysayan ng naturang dish.
Sa unang tikim pa lamang sa putahe — na inilarawan ni Rosenthal bilang “chopped-up delicious pork” — nagustuhan na agad ito ng host.
“Absolutely delicious,” naibulalas ni Rosenthal.
Matapos ang Netflix feature, bumuhos ang suporta at dami ng mga nais ding kumain sa Trellis.
Sa katunayan, inanunsyo ng Trellis Restaurant sa kanilang Facebook page na sold out ang kanilang sisig sa unang pagkakataon sa loob ng 45 taon.
Labis-labis din ang pasasalamat ng resto sa anila’y overwhelming support na kanilang natanggap. #
The post From Pampanga to QC to the world: Sisig ng Kapampangan-owned resto, featured sa isang Netflix series first appeared on CLTV36.