
Muling pinatunayan ng lalawigan ng Pampanga ang husay at kahandaan nito sa disaster response matapos tanghaling Overall Champion sa katatapos lamang na Central Luzon Regional Rescue Challenge 2025.
Ginanap ito sa bayan ng Apalit at Porac mula July 8 hanggang July 11, kung saan sumabak ang mga koponan mula sa iba’t ibang probinsya ng rehiyon sa apat na kategorya: Water Search and Rescue (WASAR), Mountain Search and Rescue (MOSAR), Collapsed Structure Search and Rescue (CSSR), at Mass Casualty Incident (MCI).
Namayagpag ang Pampanga sa mga makapigil-hiningang pagsubok ng CSSR at MCI, habang wagi naman ang probinsya ng Aurora sa WASAR at Bulacan sa MOSAR.
Ipinakita sa nasabing aktibidad ang matinding determinasyon, likas na galing, at ang di matatawarang teamwork ng mga Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) teams ng Central Luzon.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng challenge ay bunga ng ugnayan sa pagitan ng Pampanga Association of Local DRRM Officers, Inc. (PALOI), Office of Civil Defense Region 3, at ng mga lokal na pamahalaan ng Apalit at Porac. #
The post Pampanga, wagi sa Regional Rescue Challenge 2025 first appeared on CLTV36.