Mahigit ₱1.5 billion ang iniwang pondo ni dating Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr. matapos ang kanyang huling araw sa pwesto noong June 30, 2025, base sa pinakahuling ulat ng Commission on Audit (COA).
Sa Statement of Financial Position ng COA, lumalabas na umabot sa ₱1.53 billion ang cash and cash equivalents ng lungsod, na bahagi ng kabuuang ₱1.72 billion current assets.

Samantala, nasa ₱9.36 billion naman ang halaga ng non-current assets tulad ng property, plant, at equipment, dahilan upang umabot sa ₱11.08 billion ang total assets ng lungsod.
Nilagdaan ni City Auditor Amelita Inovero ang opisyal na financial report na nagsilbing dokumento ng lungsod bago ang transition ng bagong administrasyon.
Si Cong. Pogi ang kasalukuyang kinatawan ng 1st District of Pampanga. #
The post Higit ₱1.5-B pondo, iniwan ni former Mayor Lazatin sa Angeles City first appeared on CLTV36.