
Highlight sa katatapos lamang na 11th Commencement Exercises ng City College of San Fernando Pampanga (CCSFP) ang 74 “first-generation” graduates o mga kauna-unahan sa kanilang pamilya na nakapagtapos ng kolehiyo.
Ginanap ang kanilang graduation rites sa Heroes Hall nitong Miyerkules, August 13.
Kabilang sila sa kabuuang 208 na nagtapos mula sa anim na programa ng kolehiyo, kung saan higit 40 ang ginawaran ng academic at special awards, kabilang ang apat na Cum Laude.
Binigyang-inspirasyon ni Ma. Carmela De Guzman Lising, Cum Laude at top academic achiever ng kanilang batch, ang mga kapwa niya nagsipagtapos na huwag matakot sa hamon at sakripisyo, at laging pairalin ang passion at authenticity sa kanilang landas.
Sa talumpati naman ni Mayor Vilma Balle-Caluag, iginiit niya ang layunin na magkaroon ng kahit isang college graduate sa bawat pamilyang Fernandino, bilang bahagi ng adbokasiya sa inklusibong edukasyon. #
The post 74 ‘first-gen’ grads, tampok sa 11th Commencement Exercises ng CCSFP first appeared on CLTV36.