Nahaharap ngayon sa patong-patong na reklamo si San Simon, Pampanga Mayor Abundio “JP” Punsalan matapos pormal na umapela sa Office of the Ombudsman ang mga kinatawan ng RealSteel Corp..
May kaugnayan ito sa umano’y panghihingi sa kanila ng alkalde ng ₱80 million na “bribed money”.
Ayon sa salaysay ng mga kinatawan ng RSC na sina Irwin Chua at Melodie Arellano, binantaan umano sila ng alkalde na mawawalan ng cash incentives ang kanilang kumpanya kung hindi ibibigay ang hinihinging halaga.
Agad silang nagsumbong sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil dito.
Matatandaan noong August 5, naaktuhan si Punsalan habang tinatanggap ang pera sa isinagawang entrapment operation sa Clark Freeport, Mabalacat City. Kasama niyang naaresto ang limang iba pa.
Kasalukuyan siyang nakakulong sa NBI Detention Facility sa Muntinlupa City at nahaharap sa mga kasong Grave Misconduct, Serious Dishonesty, Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, pati na rin Robbery Extortion at Illegal Possession of Firearms. #
The post RealSteel Corp., naghain ng reklamo laban kay San Simon Mayor Punsalan first appeared on CLTV36.