
Ipinagdiwang ng ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐ผ๐ป ๐๐๐, ๐๐ฒ๐ป๐๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐๐๐ผ๐ป ๐ฆ๐ผ๐น๐ผ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฒ๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป (๐๐๐ฆ๐ฃ๐), ๐๐ป๐ฐ.,, ๐๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐ฆ๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ช๐ฒ๐น๐ณ๐ฎ๐ฟ๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ (๐๐ฆ๐ช๐), kasama ang mahigit 165 ๐๐ผ๐น๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ป๐๐ ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ, ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป, ๐ญ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐น๐ฒ๐, ๐ฎ๐ ๐ง๐ฎ๐ฟ๐น๐ฎ๐ฐ, ๐ฎ๐ป๐ด โ๐ฆ๐ผ๐น๐ผ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒโ na may temang โHindi ka nag-iisa sa iyong pag-iisa; YAKAP at Kalinga para sa solo parentโ, na ginanap sa Lola Ima Cuisine and Restaurant, Lungsod ng San Fernando, Pampanga, nitong ika-15 ng Abril, 2026.

Sa pangunguna ni PhilHealth Acting Vice President Atty. Ma. Emily P. Roque, katuwang sina Acting Branch Manager Dr. Rowena S. Zabat-San Mateo, Regional Chapter President Feni Evangelista-Santos ng CLSPF, at Division Chief Czar Cornelius R. David ng DSWD, ibinahagi sa mga solo parents ang mga kaalaman at benepisyo ng PhilHealth, YAKAP at GAMOT, Expanded Solo Parent Act, at iba pang benepisyong pangkalusugan para sa mga magulang at mga anak.
Ayon kay Dexter S. Maglalang, Head ng PhilHealth Membership Section A, layunin ng programa na maseguro ang proteksiyong pangkalusugan ng mga solo parents at kanilang mga anak, mabigyan ng kasiyahan, aktibong pakikibahagi, at buong suporta bilang โmay hawak ng beatโ (tulad ng trending song ngayon) tungo sa mas malusog at maliwanag na bukas.

Lahat ng solo parents ay naging aktibo at masaya sa programa habang naibabahagi ang mga benepisyo at serbisyo ng PhilHealth, CLSPF at DSWD. Isa sa mga solo parents na nagbahagi ng mensahe ang nagsabing, โNatakot akong magpagamot kasi akala ko mahal, pero nagulat ako at natuwa, wala ko binayaran sa ospital, malaking tulong ang PhilHealth, lalo sa amin na mag-isang binubuhay ang aming pamilya. Marami pong salamat.โ
(Ulat ni Monifer S. Bansil, Head-Public Affairs Unit)