Pagpupugay sa Kababaihan ngayong International Women’s Day

NGAYONG INTERNATIONAL Women’s Day, nararapat lamang na ating kilalanin at parangalan ang mga kababaihang Pilipina na sa iba’t ibang yugto ng ating kasaysayan ay nagpakita ng pambihirang tapang, malasakit, at sakripisyo para sa kalayaan, katarungan, at demokrasya ng ating bayan. Sa panahon ng pakikibaka laban sa mga mananakop na Espanyol, hindi matatawaran ang ambag ng […]
Dr. Jose Rizal: Ang bayaning kailangan ng panahon natin

“ANG PAGGUNITA kay Rizal ay pagtangging manahimik. Habang sinasalubong natin ang 2026, malinaw: Gising na ang bayan, at handang maningil.” Si José Rizal ay hindi pinatay dahil sa dahas, kundi dahil sa katotohanan. Panulat, konsensya, at tapang lamang ang kanyang sandata laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan. Alam niya na ang tunay na kaaway ng bayan […]
Pahayag: Tungkol sa Ordinansa Blg. 740, S-2025 ng Angeles City SP na nagpangalan sa Lapid Arena

KAMI PO sa Advocate for Genuine Services (AGOS) ay pormal na naghain ng Petisyon at Liham-Protesta laban sa Ordinansa Blg. 740, S-2025, na nagpapangalan sa isang pampublikong pasilidad sa Barangay Pampang, Lungsod ng Angeles bilang Jose Lapid Sports Complex. Nililinaw po namin sa publiko ang sumusunod: Una, wala pong dokumentado o makasaysayang tala na nagpapakita […]
Lapid Arena: Pasilidad para sa bayan, o monumento para sa kapangyarihan?
ITO AY isang katanungan sa mga kasapi sa sangguniang panlungsod ng Angeles. Sa isang lungsod na mayaman sa kasaysayan at mga pamanang dapat pahalagahan, ang pagpapangalan ng mga pampublikong pasilidad ay hindi basta seremonyang pampapogi. Ito ay deklarasyon kung sino ang ating kinikilalang ehemplo ng serbisyo at kabutihang panlipunan. Kaya naman nang itanghal ang Lapid […]
Argumento kontra sab anta ng paghuli sa mga taong nananawagan ng ’withdrawal of support’

ANG PAHAYAG ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na nalathala sa Phillipine Star—na maaari daw arestuhin ang sinumang nananawagan ng “withdrawal of support” mula sa pamahalaan—ay nagbubukas ng seryosong usaping konstitusyonal, legal, at demokratiko. Ang ganitong posisyon ay naglalagay sa panganib na ituring na krimen ang protektadong pampulitikang pananalita, na malinaw na taliwas sa mga […]
Pagpapabulaan sa pahayag ni Sec. Vince Dizon

KUNG TOTOONG “walang kinalaman” si Pangulong Marcos Jr. sa malawakang budgetary insertions at korapsyon sa flood control projects, bakit ngayon lang siya kumikilos? At higit sa lahat: kung siya mismo ang “nagpasabog,” bakit niya hahayaang lumobo, kumalat, at maipatupad ang mga proyektong sangkot sa anomalya bago pa man siya kumilos? Ang paliwanag ni Sec. Dizon […]
Flood Control o Fund Control?

HABANG PAULIT-ULIT na binabaha ang mga bayan sa Pampanga at iba’t ibang bahagi ng bansa, isa na namang mas mabigat na katanungan ang bumabalot: ang bilyong pondo ba para sa flood control ay tunay na nagliligtas ng mamamayan, o nagiging “fund control” lamang ng iilang makapangyarihan? Sa nakaambang muling pagbuhay ng P611-milyong kaso laban kay […]
Panawagan para sa katotohanan

ANG MGA kamakailang ulat na umano’y nag-uugnay kay dating Senior Deputy Speaker at ngayo’y Special Adviser to the Speaker, Pampanga Congressman Aurelio “Dong” Gonzales Jr., sa multibilyong pisong kontrata para sa mga proyektong flood control ay muling nagbubukas ng seryosong usapin hinggil sa tiwala ng publiko at pananagutan sa pamahalaan. Sa loob ng maraming taon, […]
Ganap na kalinawan sa pananalapi ng AC ang kailangan

KAMAKAILAN AY lumabas sa isang lokal na media outlet ang ulat na mula umano sa Commission on Audit (COA), kung saan ipinapakitang mayroong mahigit ₱1.5 bilyon sa Cash and Cash Equivalents at higit ₱11 bilyon sa kabuuang assets ang Lungsod ng Angeles hanggang Hunyo 30, 2025. Isang positibong larawan nga ito, lalo’t nagmula ito sa […]
KAPAG ANG GUMAGAWA NG BATAS ANG SIYANG LUMALABAG

May makapangyarihang paalala ang ating Saligang Batas: “Ang panunungkulan sa pamahalaan ay isang pampublikong pagtitiwala.” Isang simpleng prinsipyo ngunit napakalalim ang kahulugan—isang gabay na dapat sinusunod ng bawat lingkod-bayan. Sa kasamaang-palad, ito rin ang prinsipyong tila madalas nakakalimutan ng ilan sa mga nasa kapangyarihan. At ngayon, mas malakas pa itong umaalingawngaw kasabay ng reklamong isinampa […]