Labi ng mag-inang Kapampangan na nasawi sa Baguio landslide, naihatid na

Naihatid na sa Pampanga ang labi ng mag-inang mula Sta. Ana na kabilang sa mga nasawi sa malagim na landslide sa Purok 2, Riverside, Barangay Guisad Surong, Baguio City noong August 9, 2026. Kinilala ang mga biktima na sina Ana Theresa Policarpio at kanyang anak na si Lance Paule. Contributed photo 13 katao ang natabunan […]
₱2.08-B SCTEX Pasig-Potrero Bridge Solution, sinimulan na sa Porac

Sinimulan na ang konstruksyon ng mahigit ₱2.08-billion na bridge solution project sa bahagi ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) na tumatawid sa Pasig-Potrero River sa Porac, Pampanga. Base sa project billboard, may kabuuan itong halaga na ₱2,088,888,888.88 mula sa corporate operating budget ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at tinawag na “Pasig-Potrero Bridge Long Term Solution […]
DENR, naglabas ng notice of violation laban sa ACWD Septage Plant

Naglabas ang DENR – Environmental Management Bureau Region III ng Notice of Violation laban sa Angeles City Water District (ACWD) Septage Treatment Plant dahil sa umano’y hindi pagsusumite ng mga kinakailangang environmental monitoring report sa loob ng ilang taon. Ayon sa notice na nilagdaan ni EMB Region III Director Martin Jose Despi, posibleng nilabag ng […]
Mas malawak na imbestigasyon sa mga proyektong nasuplayan ng Chuangxing Steel, panawagan ni Angeles Mayor Jon Lazatin
Nanawagan si Angeles City Mayor Jon Lazatin II na palawakin ang imbestigasyon upang matukoy ang lahat ng government infrastructure at pribadong construction projects na maaaring nasuplayan ng bakal mula sa Chuangxing Steel Inc. sa Magalang, Pampanga. Ito ay kasunod ng initial findings ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng pagguho ng isang gusali sa […]
Steel firm sa Magalang, iniimbestigahan dahil sa umano’y paglabag sa Nuclear Energy Safety Act

Radioactive-bearing raw materials, by-products, at waste materials na umano’y naglalaman ng Thorium isotopes — ito ang mga nadiskubre ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa pagsalakay sa Chuangxing Steel Incorporated sa Brgy. Nuvaling, Magalang, Pampanga noong July 18, 2026. Katuwang ng PAOCC sa pagpapatupad ng search warrants ang National Bureau of Investigation (NBI) at iba […]
₱99-M septage treatment plant sa Angeles City, hindi pa rin operational

Hindi pa rin operational ang tinatayang ₱99-million na septage treatment plant ng Angeles City Water District (ACWD) sa Brgy. Cutud, batay sa paunang impormasyong nakalap ng CLTV36 News. Sa mga larawang kuha news team, makikita rin ang dalawang desludging truck na binili ng ACWD na nakaparada sa loob ng compound. Nagkakahalaga ang mga ito ng […]
Content creator sa Angeles City, nakaligtas umano sa tangkang panghahalay at robbery; insidente, iniimbestigahan na ng pulisya
(TRIGGER WARNING: SENSITIVE CONTENT) Iniimbestigahan na ng Angeles City Police ang insidente ng umano’y tangkang panghahalay at pagnanakaw sa isang content creator sa lungsod noong June 27, 2026. Sa inilabas na video message ng biktima sa social media, inilahad nito ang sinapit na matinding takot at trauma matapos umano siyang lapitan ng isang armadong lalaki […]
Operasyon ng PNP sa Arayat na nagresulta sa pagkasawi ng tatlo katao, pinaiimbestigahan ng LGU
PAMPANGA — Ipaiimbestiga ni Arayat Mayor Jeff Luriz ang naging proseso ng operasyon ng pulisya sa Barangay San Juan Baño kung saan nauwi umano sa engkwentro ang isinagawang surveillance operation ng Philippine National Police. Photo from Philippine National Police Batay sa bersyon ng PNP, nagsasagawa ng casing at surveillance ang magkasanib na operatiba ng Pampanga […]
Kampo ng may-ari ng gumuhong gusali sa Angeles City, iginiit ang ‘due process’ sa ₱11-M DOLE order

Iginiit ni Atty. Willie Rivera, legal counsel ng may-ari ng gumuhong gusali sa Brgy. Balibago, Angeles City, na dapat munang dumaan sa due process ang ipinataw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mahigit ₱11-million na bayarin. Ayon kay Rivera, alanganing sitwasyon ang nangyari dahil nauna pang lumabas sa publiko ang impormasyon tungkol sa […]
Owner at contractor ng gumuhong gusali sa Angeles City, pinagbabayad ng ₱11.7-M ng DOLE

Pinagbabayad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang owner at contractor ng gumuhong gusali sa Brgy. Balibago, Angeles City ng mahigit ₱11.7-million matapos umanong lumabag sa labor standards at occupational safety and health rules. Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, natukoy ng ahensya na may pananagutan sina Jackson Lim at ang Golden Years Construction […]