Poultry farm sa Floridablanca, ininspeksyon ng LGU kasunod ng mga reklamo sa langaw

Ininspeksyon ng lokal na pamahalaan ng Floridablanca, Pampanga ang lumalalang problema sa langaw na inirereklamo ng mga residente sa isang resettlement area. Photo from Opisina ning Talasuyu Michael Lugtu Galang/Facebook Nitong June 14, pinangunahan ni Municipal Mayor Michael Galang ang pag-inspeksyon sa isang poultry farm sa Barangay Pabanlag na itinuturong pinagmumulan ng perwisyo. Kasama ng […]
Laus Auto Services sa Pampanga, isa nang Tesla Approved Collision Center

CLARK FREEPORT ZONE — Opisyal nang itinalaga ng Tesla Motor Philippines Inc. ang Laus Auto Services Inc. (LASI) bilang isa sa mga Tesla Approved Collision Center sa bansa. Dahil dito, maaari na silang mag-ayos at mag-rebuild ng mga sasakyan ng Tesla na naaksidente o nagtamo ng matinding pinsala mula sa banggaan. Photo from Laus Auto […]
Dalawang bata, nasagip sa umano’y child exploitation sa Angeles City

Nasagip ng mga otoridad ang dalawang menor de edad sa isinagawang operasyon laban sa umano’y child exploitation sa Purok 6, Brgy. Anunas, Angeles City gabi nitong Lunes, June 15. Ayon sa Angeles City Police Office (ACPO), tatlong Korean national ang naaresto matapos mapatunayang pinagtatrabaho ang naturang mga bata sa isang online gaming operation. Photo from […]
15 biktima ng illegal surrogacy sa Porac, nasagip

Nasagip ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 15 biktima matapos salakayin ang isang illegal surrogacy agency sa Porac, Pampanga. Photo from National Bureau of Investigation Tatlong suspek ang naaresto makaraang mabisto ang modus ng “House of Surrogacy PH” (HOS PH) kasunod ng sumbong ng dating surrogate mother na umano’y nakaranas ng […]
18-days na search, rescue, & retrieval ops sa Balibago tragedy, nagtapos na

Opisyal nang tinapos ng Unified Command ang malawakang operasyon sa “ground zero” sa Barangay Balibago, Angeles City makaraan ang labingwalong araw na walang humpay na paghahanap sa gumuhong siyam na palapag na under-construction building. Pormal na idineklara ang pagtatapos ng operasyon sa pamamagitan ng demobilization briefing at close-out meeting na pinangunahan ni Mayor Carmelo “Jon” […]
Suspek sa pamamaslang sa kapwa pandesal vendor sa CSFP, sumuko na

Boluntaryong sumuko sa Police Regional Office 4A nitong Lunes, June 8, ang suspek sa pagpatay sa kapwa niya pandesal vendor sa Brgy. Lara, CSFP. Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si alyas “Ariel,” residente ng Brgy. Calibutbut, Bacolor, Pampanga. Matatandaang naganap ang krimen noong May 30 sa harap mismo ng Brgy. Lara Hall, kung […]
Mga bagong banal na simbolo at istruktura, inihanda para sa proklamasyon ng Holy Rosary Parish bilang Minor Basilica
Bilang paghahanda sa makasaysayang Solemn Proclamation ng Holy Rosary Parish (HRP) bilang Minor Basilica sa June 10, inilatag na sa simbahan ang mahahalagang simbolo at istrukturang sumasalamin sa bagong katayuan nito sa Simbahang Katolika. Kabilang sa mga bagong tampok ang imahe ni San Pedro, mga pagbabago sa Binyagan (Baptistery), ang opisyal na Papal Insignia, ang […]
3 centenarian sa Angeles City, tumanggap ng tig-₱100-K

Sa isang simpleng seremonya, pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles ang tatlong centenarian na sina Rosita Marquez, Felipa Mendoza, at Rosa Tiatco. Photos from Angeles City Information Office Sila ang mga residenteng kamakailan lamang ay umabot sa edad na isang daang taon at patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa kanilang pamilya at komunidad. Kasabay ng pagkilala, natanggap […]
First-ever onion cold storage sa Pampanga, pinasinayaan sa Bacolor

Pinasinayaan sa Bacolor, Pampanga nitong Martes, June 2, ang kauna-unahang Onion Cold Storage Facility sa lalawigan na layong palakasin ang industriya ng sibuyas at mapabuti ang kita ng mga lokal na magsasaka. Photo from Pampanga PIO May kapasidad itong mag-imbak ng hanggang 20,000 sako ng sibuyas. Layunin ng bagong pasilidad na mapanatili ang kalidad ng […]
Alitan ng dalawang pandesal vendor, nauwi sa krimen

Patay ang isang lalaki matapos barilin at pukpukin ng bato ng kapwa niya pandesal vendor sa Barangay Lara, City of San Fernando, Pampanga nitong Sabado, May 30. Nangyari ang krimen sa harapan ng mismong barangay hall. Bagama’t maraming nakasaksi, hindi agad nakapanghimasok ang mga residente sa takot na madamay sa tensyon dahil nagbanta umano ang […]