By Ashley Punzalan, CLTV36 News
Umarangkada na sa ilang bayan ng Pampanga ang Benteng Bigas Meron Na Program mula sa Kadiwa ng Pangulo.
Nag-umpisa ito nitong Martes, July 29, hanggang Miyerkules, July 30, sa Sta. Rita, Floridablanca, Apalit, Candaba, Mexico, at Arayat.
Sa bawat bayan, 1,000 qualified beneficiaries ang nakabili ng hanggang 10 kilos ng bigas sa halagang ₱20/kg.



Patunay umano ang programa sa naunang pangako ni President Ferdinand Marcos, Jr. na mapababa sa bente pesos ang presyo ng bigas at mapagaan ang financial burden ng mga pamilyang Pilipino habang pinapalakas ang kabuhayan ng mga magsasaka ng bansa.
Samantala, ibinebenta sa Kadiwa ng Pangulo stores ang ₱20/kilo na bigas sa mga miyembro ng vulnerable sectors kabilang na ang indigents, senior citizens, solo parents, persons with disabilities, at minimum wage workers. #
The post ₱20 kada kilo ng bigas, umarangkada na sa Pampanga first appeared on CLTV36.