
Pinadapa ng hagupit ng habagat na sinabayan pa ng Bagyong Crising at Dante ang mga pananim sa Pampanga.
Batay sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), umabot na sa ₱470,104,758.48 ang kabuuang halaga ng pinsala sa agricultural sector ng lalawigan.
₱143,334,876 dito ay mga pananim na palay, ₱988,694 ay mga mais at cassava, habang higit ₱7 milyon naman sa High Value Crops.
Samantala, nakapagtala rin ng ₱318,723,373.33 na danyos sa industriya ng pangisdaan, ₱1,515,050 sa poultry at mahigit ₱1.8 milyon ang halaga ng mga nasira sa egg production. #
The post ₱470-M na pinsala sa agrikultura, naitala sa Pampanga first appeared on CLTV36.