Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 3- Special Operations Team ang isa sa mga akusado sa umano’y qualified human trafficking kaugnay ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Porac, Pampanga.
Sa isinagawang operasyon ng mga otoridad, nahuli si alyas “Marlon” sa Brgy. Tabun, Mabalacat City nitong Huwebes, May 22.

Ayon sa CIDG, si Marlon ang operations officer ng security agency na nagbabantay sa Lucky South 99 Outsourcing Inc. kung saan nangyari ang umano’y trafficking.
Nahaharap din siya sa hiwalay na arrest warrant mula sa Regional Trial Court Branch 118 sa Angeles City para sa 10 kaso ng qualified trafficking in persons, kung saan walang piyansang inirerekomenda.
Ang nahuling suspek ay kabilang sa 51 katao na dawit sa naturang isyu ng POGO hub, kabilang sina dating Presidential spokesperson Harry Roque at negosyanteng si Cassandra Ong. #
The post 1 sa 51 na sangkot sa umano’y human trafficking sa POGO hub sa Porac, huli ng CIDG first appeared on CLTV36.