By Courtney Alfajaro, CLTV36 News intern
Balik-ngiti ang 10 lolo at lola sa libreng pa-pustiso ng Pampanga Capitol at Provincial Dental Office.

Bilang pasasalamat, nagtungo ang mga senior citizen sa tanggapan ni Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda. Makikita ang bagong kumpiyansa at saya na dala ng serbisyong ito sa kanilang mga ngiti.
Ayon sa Pampanga Provincial Information Office, libreng naibigay sa senior citizens ang pustiso na karaniwang nagkakahalaga ng ₱10,000 hanggang ₱20,000 bunsod ng “Alagang Nanay” Preventive Healthcare Program ni Governor Dennis “Delta” Pineda.
Para sa mga interesado ring makakuha ng free dentures, makipag-ugnayan sa inyong Nanay Community Workers. Magpalista at maghintay ng text o tawag para sa schedule. #
The post 10 senior citizen, balik-ngiti sa libreng pa-pustiso ng Provincial Dental Office first appeared on CLTV36.