Naging matagumpay ang isinagawang operasyon ng Pamahalaang Panlungsod ng Angeles City sa pagliligtas ng mga kabataan.
Nagsagawa ang City Social Welfare and Development Office o CSWDO, katuwang ng Angeles City Tourist Information Visitors and Engagement at Women and Children Protection Desk, ng rescue operation sa MacArthur Highway, Fields Avenue at ilang piling kalye nitong Biyernes, August 1.



Sa kabuuan, 37 na indibidwal ang nailigtas — 21 rito ay minors habang 16 ang adults.
Bahagi ang operasyon sa hangarin ng administrasyon ni Mayor Jon Lazatin na mapanatiling ligtas at maisulong ang kapakanan ng mga kabataan sa mga entertainment at nightlife area ng Syudad.
Bukod pa rito ang pagnanais na mapigilan ang mga iligal na aktibidad at mapayapang komunidad para sa mga Angeleños at mga turista.



Kaagad na nagsagawa ng assessment at intervention ang mga otoridad sa mga na-rescue.
Dinala ang 15 sa minors sa Kanlungan ng Kabataan Reformation Center para sa karagdagang pagsusuri, counseling, at pagsasailalim sa reformation programs.
Hinihikayat din ng lokal na pamahalaan ang taumbayan na kaagad magsumbong sa anumang kahina-hinalang mga aktibidad at makiisa sa mga programa para sa peace and order. #
The post 21 minors, na-rescue ng Angeles City LGU first appeared on CLTV36.