Ilang residente mula Pampanga ang kabilang sa mga biktima ng road crash sa Marcos Highway, Sitio Bontiwey, Poblacion, Tuba, Benguet nitong Linggo, March 9, batay sa kumpirmasyon ng mga otoridad.

Dead on the spot ang tatlong indibidwal na kinilalang sina Justine Nichole Fernandez Bungay, 22-anyos mula San Francisco 2nd sa bayan ng Minalin; Homer Lopez Lozano, 46-anyos at Arlene Apilado Nanquil, 56-anyos, na pawang mga residente ng Mabical, Floridablanca.
Samantala, kasalukuyang ginagamot sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) ang iba pang sugatang pasahero na mula sa Mabical. Kabilang dito ang mga batang sina Ashianna Claire De Guzman, 2; Estella Nataleigh Lopez Bungay, 3; Janella Mariz Fernandez Bungay, 11; at Phoebe Pineda Paguio, 11, pati na rin si Jomer Joshua Fernandez Bungay, 12.
Sugatan din sina Hezekiel Prietos Lopez, 18; Hazel Apilado Nanquil, 18; Jamaica Maissie Fernandez Bungay, 21; Kelvin Ocampo, 21; at Jake De Guzman, 23.
Habang patuloy ding ginagamot ang mga nakatatandang pasahero na sina Ryan Lopez Paguio, 48; Corina Pineda Paguio, 49; Enrico Sagad Nanquil, 56; at Erlinda Bartomole Lopez, 71.
Mula naman sa Porac, Pampanga ang mga biktimang sina Jenica Jirah Santos, 14; Janela Jirah Santos, 9; Jilian Santos, 7; at Jennifer Lopez Santos, 47.
Ayon sa ulat, pinalabas na mula sa ospital ang ibang pasahero, kabilang ang driver na si Berlin Sagad Lopez, 66-anyos, matapos silang mabigyan ng medikal na atensyon.
Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Tuba Municipal Police Station si Lopez habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Nakipag-ugnayan na rin umano ang Tuba MPS sa pamilya ng mga biktima at inaasahang maglalabas ng karagdagang impormasyon matapos ang isinasagawang koordinasyon. #
The post 3 patay, 20 sugatan sa road crash sa Benguet first appeared on CLTV36.