Tatlong banyaga na umano’y gumagamit ng pekeng pagkakakilanlan bilang Pilipino ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng Bureau of Immigration (BI) sa Pampanga.

Kinilala ang isa sa mga suspek na si Lin Yi, 35-anyos, Chinese national na nahuli sa isang business establishment sa Pandan Road, Angeles City noong July 31.
Batay sa reklamo, ginagamit umano nito ang pekeng birth certificate at iba pang dokumento ng Pilipinas sa kanyang negosyo NA CAR WASH, bukod pa sa hawak nitong working visa sa ilalim ng tunay niyang Chinese identity.
Samantala, nadakip naman sa isang residential unit sa Malabanias, Angeles City si Yan Yize, 30-anyos, habang nahuli sa Brgy. Panipuan, Mexico, Pampanga si Wang Jiangyi, 55-anyos.
Kapwa sila umano’y may late-registered birth certificate, BIR TIN ID, at mga business registration na ginagamit para sa operasyon ng isang kUmpanya na sangkot sa pagbili ng lupa.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng BI ang tatlong suspek habang isinasagawa ang deportation proceedings laban sa kanila.
Patuloy din ang imbestigasyon sa pinagmumulan ng mga pekeng dokumento na ginagamit ng mga banyaga sa bansa. #
The post 3 ‘pekeng Pinoy’, arestado sa Pampanga first appeared on CLTV36.