Nanalasa ang isang ipo-ipo sa Brgy. Candating, Arayat mag-aala una ng hapon ngayong Lunes, May 27.
Kwento ni Kap. Marly Dalusong Pineda, dumilim umano nang husto bago bumagsak ang malakas na ulan. Saka na nila nakita na nag-umpisang mabuo ang ipo-ipo sa tabi ng Pampanga River bago ito magtuloy-tuloy sa kanilang barangay.
Alas kwatro ng hapon ngayong araw nang kinumpirma ni Kap. Pineda na 31 bahay ang nasira habang tatlong poste ang naitalang natumba. Wala naman umanong nasaktan sa nangyari.