Ipagdiriwang ng Pampanga Press Club (PPC) ang kanilang ika-75 founding anniversary sa pamamagitan ng paggawad ng Diamond Awards sa 35 natatanging tao at organisasyon sa Royce Hotel and Casino sa Clark sa Sabado, November 23.
Ayon kay PPC President Noel Tulabut, paparangalan ang mga ‘exemplary leader and community partner’ na nagsulong ng positibong pagbabago at kaunlaran sa bansa.
“The PPC’s history and growth is simultaneous with the development of our community. The PPC Diamond Awardees are people and groups that are part of our daily news, usually landing in our headlines because of their leadership and contributions to society,” saad ni Tulabut.
“Their ideas and advocacies have helped shape lives and communities. In effect, they are our partners in community service. They are also accessible and very transparent in communicating with the media,” dagdag pa niya.
Kasama sa mga tatanghaling PPC Diamond Awardees ang mga sumusunod:
• Cardinal-elect Pablo Virgilio David (Religion)
• Archbishop Emeritus Paciano Aniceto (Religion)
• dating presidente at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo (Governance)
• Governor Dennis “Delta” Pineda (Governance)
• Vice-Governor Lilia “Nanay” Pineda (Governance)
• dating Board Member Mylyn Pineda-Cayabyab (Governance)
• League of Municipalities-Pampanga chapter president at Apalit Mayor Oscar Tetangco Jr. (Governance)
• Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr. (Governance)
• Mabalacat City Mayor Cris Garbo (Governance)
• ang namayapang si Liberato “Levy” P. Laus (Posthumous, Countryside Development)
• Ma. Theresa Laus (Charitable Work)
• Renato G. Romero (Business Leadership)
• Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma (Labor Advocacy)
• Consul General Elmer Cato (Foreign Service)
• Normandy Canlas (Architecture)
• Dr. Irineo “Bong” Alvaro Jr. (Civic Leadership)
• Dennis Anthony Uy (Business-Telecommunications)
• Jaime “Jack” Uy (Business)
• Manuel V. Pangilinan (Business)
• Rhea Anicoche-Tan (Business-Wellness)
• Dr. Monserrat Chichioco (Hospital Administration)
• Elena Tesoro (Development)
• Rodolfo Salas (Peace-Building)
• Robby Tantingco (Culture)
• Mak Tumang (Fashion)
• Claude Tayag (Visual Arts)
• Angelina Blanco (Disaster Risk Reduction)
• Dr. Emmanuel Y. Angeles (Education)
• The Voice Newsweekly (Print Media)
• Genesis Transport Service Inc.(Business-Entrepreneurship)
• Hausland (Business-Real Estate)
• Mekeni Food Corp. (Corporate Social Responsibility)
• World Medical Relief Inc. (Humanitarian Assistance)
• Abacan River and Angeles Watershed Advocacy Council, Inc. o ARAW-ACI (Environmental Protection)
• Kuliat Foundation (Cultural NGO)
Pinangunahan ni PPC Past Pres. Fernando “Perry” Pangan ang awards committee habang ang artist na si Dodjie Aguinaldo ang nagdisenyo ng trophy.
Para naman sa kanilang pagpapalaganap ng press freedom at media welfare, bibigyan ng plaques of recognition ang mga partner ng PPC. Kabilang dito ang Hann Resorts, Park Inn by Radisson Clark, PLDT-SMART, NLEX, Juan D. Nepomuceno Realty, Bases Conversion and Development Authority, Clark Development Corp. Clark International Airport Corp. (CIAC), Canon Philippines, at ang Integrated Bar of the Philippines-Pampanga maging sina Mich Viray, Dr. Dax Tidula, at Dr. Vic Lugue.
Ang gala night na gaganapin sa November 23, 2024 ang pagtatapos ng isang taong selebrasyon ng 75th anniversary ng PPC. Nagsimula ito sa invitational golf tournament sa Pradera Verde Golf & Country Club sa Lubao noong May 15.
Nagsagawa rin ng journalism trainings at workshops sa mga estudyante sa probinsya ang PPC. Isang kasunduan naman ang kanilang pinirmahan katuwang ang IBP-Pampanga para sa proteksyon ng mga mamamahayag.
Bukod sa mga ito, naging katambal ng PPC ang Hann Foundation sa pamamahagi ng school supplies para sa mga mag-aaral sa Bamban, Tarlac.
“Its kind of journalism, from coverage to reporting, remains grounded in the communities—the same way our founders envisioned the PPC,” ayon kay PPC Chairwoman Tonette Orejas.
The post 35 community leaders, bibigyang pagkilala ng PPC sa kanilang 75th anniversary first appeared on CLTV36.