By Zachary Manlutac, CLTV36 News intern
Arestado ang apat na Most Wanted Persons sa Central Luzon sa magkahiwalay na operasyon ng Police Regional Office 3 sa Bulacan at Pampanga nitong Martes, June 17.
Unang nadakip si Marcelo Mercado, 46-anyos, isang magsasaka at No. 1 Most Wanted Person sa San Ildefonso, Bulacan. Inaresto ang suspek sa salang Act of Lasciviousness kaugnay ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination. Nasa ₱80,000 ang inirerekomendang piyansa rito.

Sumunod na nasakote sa Apalit, Pampanga ang 18-anyos na si John Lester Villanueva Fajardo alyas “JL”. Nahaharap naman siya sa kasong kaugnay ng Section 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. ₱200,000 at ₱120,000 naman ang hinihinging piyansa sa kanya.

Bandang hapon naman nang mahuli ng mga operatiba ng Calumpit MPS si Terry Rosal, 42-anyos na residente ng Brgy. Balungao. Siya ang No. 1 Most Wanted Person sa munisipalidad at nahaharap sa kasong rape na walang piyansa.

Sa Doña Remedios Trinidad sa Bulacan pa rin, timbog ang ikatlong Most Wanted Person sa municipal level na si Ernesto Jordan, 53-anyos. Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na may kaukulang piyansa na ₱100,000.

##
The post 4 na most wanted sa Central Luzon, arestado sa Bulacan at Pampanga first appeared on CLTV36.