Binuksan na ang ikawalong Puso Center Primary Care Facility sa Brgy. Capaya, Angeles City nitong Martes, June 17, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng health service sa lungsod.
Kabilang ang bagong pasilidad sa siyam na primary care centers na ipinangako ni outgoing City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr. sa kanyang State of the City Address (SOCA) noong 2024.

Una nang naitayo at napasinayaan ang pitong naunang center sa barangay ng Pulungbulu, Tabun, Pulung Maragul, Cutud, Malabanias, Anunas, at Amsic.
Kumpleto ito sa pasilidad gaya ng dental clinic, consultation at laboratory rooms, doctor’s office, storage area, pantry, at botika. Dinagdagan din ng mga bagong doktor, dentista, at dental aide upang mapalakas pa ang serbisyo-medikal para sa mga taga-Capaya.

Ayon kay Mayor Lazatin, patuloy ang paghahatid ng dekalidad na health service sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang termino bilang alkalde ng Syudad.
Nang maupo bilang mayor ng Syudad si Lazatin noong 2019, anim lamang ang Rural Health Units sa lungsod. Ito ay sa mga barangay ng Pandan, Sto. Domingo, Lourdes Sur East, Lourdes Northwest, Pulung Cacutud, at Balibago. #
The post 8th Puso Center sa Angeles City, binuksan na first appeared on CLTV36.