By Leezen Morten, CLTV36 News
Abot-kayang bilihin at ease of doing business para sa mga Angeleño ang inihatid ng magkatuwang na programa ng Angeles City LGU para sa mga Angeleño.
Isa na rito ang KADIWA ng Pangulo Market na layong maghatid ng murang produkto mula sa mga lokal na magsasaka at maliliit na negosyante, kabilang na ang mga miyembro ng Aeta community mula sa Barangay Sapangbato.

Ayon sa Facebook post ng Angeles City Information Office, umabot sa ₱100,925 ang kabuuang benta mula sa 10 stalls ng Kadiwa nitong April 2025.
Kaugnay niyan, isinagawa rin sa Pulung Maragul ang Grand Ease of Doing Business Fair, kung saan naghatid ng frontline services ang mga ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Trade and Industry, SSS, PhilHealth at Pag-IBIG.
Layunin ng aktibidad na maging mabilis at madali ang mga transaksyon ng publiko bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ease of Doing Business Month alinsunod sa Proclamation No. 818.

Pinangunahan ang pagbubukas ng One-stop Government Fair sa isang ribbon-cutting ceremony na dinaluhan nina Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., ARTA Secretary Ernesto Perez, at DTI Central Luzon Regional Director Mary Grace Manabat.
Pinuri naman ni Secretary Perez ang lungsod sa patuloy na pagsisikap nitong gawing efficient at accessible ang mga serbisyong pampubliko ng lokal na pamahalaan. #
The post Abot-kayang bilihin at One-stop Government Fair, sabay na inihatid sa mga Angeleño first appeared on CLTV36.