Kinilala ng Angeles City Anti-Drug Abuse Council (ACADAC) ang Angeles City Government bilang isang Drug-Free Workplace matapos nitong aprubahan ang Resolution No. 001, s. 2025 nitong June 20.
Bunga ito ng mga ang isinagawang mandatory drug testing sa 4,491 employees ng City Hall. Dito, hindi basta-basta inabandona ang mga nagpositibo, sa halip ay isinailalim sa rehabilitasyon sa Balay Silangan Reformation Program.


Kalaunan ay inirekomenda sila sa Central Luzon Drug Rehabilitation Center sa Magalang, Pampanga para sa karagdagang recovery.
Bukod dito, isinailalim din sa drug testing ang mahigit 5,700 barangay officials, gayundin ang 11,485 tricycle at 1,373 jeepney drivers sa ilalim ng programang “Oplan Harabas”.
Itinatag din ang kauna-unahang LGU-managed reformation center sa lungsod na kasalukuyang may 524 graduates na dating drug offenders.
Pinagtibay naman ng Sangguniang Panlungsod ang Ordinance No. 733, Series of 2025 para masigurong magtutuloy ang mga anti-drug program kahit matapos ang termino ng kasalukuyang administrasyon.
Ang pagkilala ay bunga ng masinsinang kampanya kontra illegal drugs ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Angeles City Police Office (ACPO), at mga kasapi ng ACADAC. #
The post Angeles City Government, isa nang drug-free workplace first appeared on CLTV36.