By Vin Dela Peña, CLTV36
Opisyal nang pambato ng Pampanga sa Binibining Pilipinas 2026 si Anne Klein Castro, 21-year-old Tourism Management student mula Mabalacat City, matapos ang ginanap na Sashing Ceremony nitong Lunes, April 6.

Si Castro ay isang aktibong advocate ng heritage conservation and community development at kasalukuyang co-Project Chair ng JCI Mabalacat Malasa, isang non-profit local organization na nakatuon sa youth development at social and environmental services.
Hindi ito ang unang beses na pagsabak niya sa isang national pageant dahil naging kinatawan na rin siya ng Mabalacat City sa Mutya ng Pilipinas 2024 kung saan kinironahan siya bilang World Top Model Philippines 2024.
Nakatakdang makipagtagisan ng ganda at galing si Castro sa 35 iba pang kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang masungkit ang isa sa mga prestihiyosong korona ngayong taon, ang Bb. Pilipinas International 2026 at Bb. Pilipinas Globe 2026. #
The post Anne Klein Castro, pambato ng Pampanga sa Bb. Pilipinas 2026 first appeared on CLTV36.