Dalawang pampublikong paaralan sa Pampanga ang nakatanggap ng mga bagong silid-aralan mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa Prado Siongco Elementary School sa Lubao, Pampanga, nakumpleto na ang one-storey building na nagkakahalaga ng ₱9.94-million.

Mayroon itong apat na classrooms na may kasamang blackboard, electricfan, at ilaw upang matiyak ang maayos at komportableng pagkatuto ng mga bata.
Ayon sa DPWH Pampanga 2nd District Engineering Office, makatutulong ang karagdagang pasilidad na ito upang mas marami pang mga mag-aaral mula sa malalayong lugar ang makapasok sa pormal na edukasyon.
Samantala, sa Amsic Integrated School sa Barangay Amsic, Angeles City naman, natapos na ring itayo ang isang 4-storey building na may 12 classrooms.

Bahagi ito ng proyekto ng DPWH Pampanga 3rd District Engineering Office para tugunan ang kakulangan sa espasyo sa mga paaralan.
May mga comfort room ang pasilidad sa bawat palapag, ramp para sa persons with disabilities (PWDs), at hand-washing stations upang matiyak ang kaligtasan at kalinisan ng mga mag-aaral. Tinatayang 600 students ang makikinabang sa bagong gusali.
Ang mga naturang proyekto ay bilang tugon sa lumalaking bilang ng mga mag-aaral at educational needs sa lalawigan. #
The post Bagong school buildings, itinayo sa 2 paaralan sa Pampanga first appeared on CLTV36.