By Leezen Morten, CLTV36 News
Game face on na ang Gilas Pilipinas U16 para sa pagbubukas ng 2025 FIBA U16 Asia Cup SEABA Qualifiers sa darating na Sabado, May 24.
Asahan ang isang bagong yugto ng mga Batang Gilas sa ilalim ng pamumuno ni kanilang head coach na si Coach LA Tenorio.
Bitbit ang sigasig at karanasang hinubog sa Gilas at PBA, titiyakin daw ng koponan ang pag-aalay ng puso at dangal sa bawat minuto ng laban.

Gaganapin ang regional showdown sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga hanggang sa araw ng Biyernes, May 30.
Makakaharap ng Philippine Team ang mga karibal mula sa Southeast Asia—kabilang ang Vietnam, Thailand, Singapore, Indonesia, at Malaysia.
Samantala, isang malinis na top 2 finish ang target ng Gilas para makapasok sa championship round at makuha ang ticket papuntang FIBA U16 Asia Cup sa Mongolia sa darating na Agosto.
Ang kanilang unang assignment: laban kontra Vietnam, Sabado, 7:30 ng gabi.
Inaasahan ang mainit na suporta ng home crowd para bigyan ng lakas ang batang koponan sa bawat opensa at depensa. #
The post Batang Gilas, handa nang depensahan ang homecourt sa SEABA Qualifiers first appeared on CLTV36.