Maglalaan ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ng ₱50-million para sa konstruksyon ng access road patungo sa bagong Pampanga Provincial Hospital na matatagpuan sa Changi Gateway, Clark Global City.

Kasama sa planong ito ang pagtatayo ng kalsada na may sapat na ilaw at drainage system upang matiyak ang ligtas at tuloy-tuloy na pag-access sa pasilidad.
Kaugnay nito, nagsagawa ng site inspection nitong Martes, July 8, ang mga kawani ng BCDA sa pangunguna ni President and CEO Joshua Bingcang at Board Chairperson Larry Paredes.
Nakatayo ang naturang ospital sa 9,259 square meter na lupang ibinigay ng Clark Development Corporation (CDC) sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga. Mayroon itong kabuuang 143 bed capacity, kabilang ang 17 private rooms, 16 semi-private rooms, at 110 ward beds.
Inaasahang magbibigay ito ng mas malawak at dekalidad na serbisyo-medikal, gaya ng diagnostic, clinical, at ancillary services para sa mga residente ng Pampanga at karatig-lugar. #
The post BCDA, maglalaan ng ₱50-M para sa access road sa bagong ospital sa Clark first appeared on CLTV36.