Bilang tugon sa adbokasiya ng Philippine National Police (PNP) para sa accountability and modernization, inilunsad ng Angeles City Police Office (ACPO) ang kanilang Camp Improvement and Beautification Program nitong Miyerkules, July 16.


Sa ilalim ng pamumuno ni PCol. Joselito Villarosa, Jr., nagsagawa ang kapulisan ng pagsasaayos at paglilinis sa iba’t ibang bahagi ng kanilang kampo.
Higit pa sa pisikal na paglilinis, layon na aktibidad na lumikha ng mas maayos at kaaya-ayang kapaligiran para sa mga kawani ng pulisya at sa mga mamamayang bumibisita sa kanilang istasyon.
Samantala, kasabay nito, tumanggap naman ang ACPO ng limampung GPS tracker units mula sa Pamahalaang Lungsod ng Angeles para sa pagpapaigting ng kanilang presensya sa kalsada.

Ikakabit ang mga naturang GPS units sa mga mobile patrol ng pulisya upang masubaybayan ang kanilang galaw, at masiguro ang transparency at epektibong deployment ng mga tauhan. #
The post Camp Beautification Program, inilunsad ng ACPO; GPS trackers, ipinagkaloob ng LGU first appeared on CLTV36.