
Mas pinaigting na medical service at dagdag na pasilidad ang inihahandog ngayon OFW Hospital para sa mga Overseas Filipino Workers at kanilang pamilya, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, patuloy ang modernisasyon ng ospital, kabilang ang mga bagong kagamitan tulad ng MRI machine, digital mammography, at iba pang laboratory at diagnostic tools.
Bukod dito, kasama rin sa bagong serbisyong inaalok ang mga pulmonary function and cardio exercise test.
Nasa proseso rin ng pagkuha ng Level 2 Accreditation mula sa Department of Health (DOH) ang naturang ospital upang tuluyang magamit ang Intensive Care Unit (ICU) nito.
Inaasahan ding matatapos sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ang Bagong Pilipinas OFWH Cancer Care Center, na inaasahang magbibigay ng free dialysis at cancer treatment sa mga qualified patient.
Simula January hanggang June 2025, mahigit 50,000 OFWs at kanilang dependents na ang napagsilbihan ng OFW Hospital na matatagpuan sa City of San Fernando, Pampanga. #
The post Expanded medical service, alok ng OFW Hospital first appeared on CLTV36.