Natagpuan na ang labi ni Tess Mamac sa loob ng kanilang family compound sa Angeles City, Pampanga gabi nitong Lunes, February 16, ayon sa Philippine National Police.
Si Mamac ang maybahay ng yumaong kapitan ng Brgy. Balibago na si Tony Mamac.
Unang napaulat na nawawala ang ginang noong February 12, 2026.
Itinuturing ngayon bilang person of interest sa kaso ang nawawalang driver ng pamilya, na halos 20 years nang nagtatrabaho sa kanila.
Samantala, kinundena ni Pampanga 1st District Rep. Carmelo Lazatin, Jr. ang insidente at nag-alok ng ₱200,000 na pabuya para sa agarang ikalulutas ng kaso. #
The post Family driver, person of interest sa pagpatay kay Tess Mamac first appeared on CLTV36.