FL, SILG dumalo sa CSBP assembly

CLARK FREEPORT — Dumalo sina First Lady Liza Araneta-Marcos at Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos, Jr. sa ginawang Pagpupugay sa mga Bayani ng Bansang Makabayan (PBBM) na ginanap sa Royce Hotel dito ngayong Lunes, June 10,  kasabay ng assembly and thanksgiving para sa mga beneficiaries ng Comprehensive Social Benefits Program (CSBP).

Ang CSBP ay pagkilala sa mga fallen men and women ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa pagganap ng kanilang mga sinumpaang tungkulin na paglingkuran at protektahan ang bansa at pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan.

Layunin ng CSBP na makapagbigay ng immediate and long-term assistance para sa mga affected families sa pamamagitan ng provision of special financial assistance, employment assistance, health and medical assistance, educational assistance, at shelter assistance.

The post FL, SILG dumalo sa CSBP assembly appeared first on Punto! Central Luzon.