
Nakumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tinatayang ₱6.5-million na halaga ng umano’y mga iligal na liquefied petroleum gas (LPG) sa isinagawang operasyon sa isang refilling plant sa Brgy. Cuayan, Angeles City nitong June 17, 2025.
Naaresto ng mga operatiba ang dalawang suspek na sina “Anthony” at “Ruel” na nahuling pinupuno ang mga REGASCO LPG tank nang walang pahintulot ng may-ari, at pinapapinturahan pa umano ang mga ito upang maitago ang orihinal na tatak.
Kabilang sa mga nakumpiska ang LPG storage at lorry tanks, weighing scale, refilling equipment, LPG cylinders, at mga resibo.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 623 (An Act to Regulate the Use of Duly Stamped or Marked Bottles, Boxes, Casks, Kegs, Barrels and Other Similar Containers) at RA 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines). #
The post Higit ₱6-M ng umano’y illegal LPG products, nasamsam ng CIDG sa Angeles City first appeared on CLTV36.