By Nicodemy Yumul, CLTV36 News intern

Pinasinayaan na ang bagong educational facilities sa City College of Angeles (CCA) bilang bahagi ng layunin ng Pamahalaang Lungsod na mapalawak pa ang dekalidad at makabagong edukasyon para sa mga Angeleño.

Kabilang dito ang tatlong hybrid classrooms, dalawang fully equipped computer laboratories, at isang multi-purpose hall na inaasahang magpapaigting sa digital learning, kalidad ng pagtuturo, at iba’t ibang aktibidad sa CCA.
Pinangunahan ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr. ang inauguration sa mga nasabing pasilidad nitong Martes, April 22.

Ayon kay Lazatin, ang proyektong ito ay bahagi ng adbokasiya ng LGU na hubugin ang mga kabataan na may kakayahang makipagsabayan sa makabagong panahon.

Samantala, kasama sa seremonya sina Vice Mayor Vicky Vega-Cabigting, CCA President Dr. Frankie Villanueva, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, at iba pang pinuno ng tanggapan mula sa Pamahalaang Lungsod. #
The post Hybrid classrooms sa City College of Angeles, hatid ang modern learning para sa Angeleños first appeared on CLTV36.