
Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark ang mahigit sa ₱8 million na halaga ng misdeclared vape products mula China noong August 11.
Ayon sa ulat, idineklara ang kargamento bilang mga sapatos at damit, ngunit natuklasang naglalaman ito ng 20,610 pieces ng Black Ultra vape pods.
Batay sa impormasyon mula sa Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), isinailalim sa x-ray at 100% physical examination ang shipment kung saan nadiskubre ang 69 na kahon ng kontrabando.
Noong August 12, naglabas ang BOC ng Warrant of Seizure and Detention laban sa kargamento dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at sa regulasyon ng Department of Trade and Industry (DTI).
Kasunod nito, noong August 14, naaresto sa Quiapo, Maynila ang tatanggap ng shipment sa ikinasang operasyon ng BOC, CIIS, at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).
Binigyang-diin ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na patuloy na maninindigan ang ahensya laban sa lahat ng uri ng smuggling upang maprotektahan ang mga mamimiling Pilipino. #
The post Illegal vape shipment mula China, bistado ng Customs sa Pampanga first appeared on CLTV36.