By Ashley Punzalan, CLTV36 News

Inilunsad na ang kauna-unahang ‘Malunggay Ice Cream’ na ipamimigay sa mga daycare student para sa pagpapalakas ng nutrisyon ng mga kabataan sa unang distrito ng Pampanga nitong July 1.
Naunang ipinamigay sa 1,665 daycare students sa bayan ng Magalang ang malunggay ice cream, sa pangunguna ni 1st District Representative Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr.

Bukod dito, nabigyan din ng school supplies ang mga estudyante, habang ang mga magulang naman ay nakatanggap ng limang kilong bigas.
Matatandaang dati nang inilunsad ni Lazatin ang ‘Pusong Mamon’ noong 2022 kung saan ipinamahagi naman ang mga malunggay bun sa daycare student bilang parte ng nutrition program ng Angeles City.
Isang taon matapos ang programa, naitala ng Syudad na mula sa 1,500 na batang itinuturing na malnourished, bumaba ito sa 563 noong August 2023—63% decrease sa malnourishment rate ng mga bata sa lungsod.
Parte ito ng legislative agenda ni Lazatin bilang pagpapalawak sa sakop ng Primary Care Package na naaayon sa Republic Act 11224 o ang Universal Health Care Act. #
The post Malunggay ice cream, nutrisyon ang hatid sa daycare students ng Pampanga first appeared on CLTV36.