
Muling pinarangalan ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa international stage.
Ito ay matapos nilang masungkit ang Gold Quill Award of Excellence mula sa International Association of Business Communicators (IABC) para sa kanilang 2023 Annual Report na pinamagatang “One Clark.”
Sa higit 300 entries worldwide, ang BCDA lamang ang Philippines-based organization at tanging state-run agency na nanalo ngayong taon. Idinaos ang awarding ceremony kasabay ng IABC World Conference sa Vancouver, Canada nitong June 10.
Ayon kay BCDA President at CEO Engr. Joshua Bingcang, kinikilala ng parangal ang mga taon ng dedikasyon, kolaborasyon, at makabuluhang komunikasyon ng ahensya.
Ibinahagi rin niya na sa pamamagitan ng “One Clark” annual report, naipakita hindi lamang ang mga proyekto kundi pati ang mga adhikain at prinsipyong gumagabay sa BCDA. Tampok sa ulat ang mga tagumpay ng BCDA sa Clark International Airport, Clark Freeport Zone, at New Clark City.
Samantala, humanga rin ang IABC judges sa malinaw at makataong paraan ng pagkukwento ng kanilang report na sinabing mahusay itong kasangkapan sa pagbabahagi ng layunin ng ahensya. #
The post ‘One Clark’ report ng BCDA, tumanggap ng prestihiyosong Gold Quill Award first appeared on CLTV36.