Nanawagan ang Pamahalaang Barangay ng Malabanias sa Angeles City sa mga residente nito na huwag gawing dumpsite ang kanilang lugar.
Kaugnay ito ng nakatambak na basura sa Abacan Loop na napaulat na ilang araw nang naroon. Nitong Lunes, June 23, nang kolektahin na ito alinsunod sa utos ni Brgy. Captain Luz Nava.

Ayon kay Nava, hindi tapunan ng basura ang naturang lugar at hindi rin daw totoo na tatlong araw nang nakatambak ang mga ito.


Paglilinaw niya, tatlong beses sa isang linggo ang garbage collection sa lugar.
“Kami po ay maglalabas muli ng schedule ng pagkolekta ng basura sa ating buong barangay para po sa kaalaman ng lahat,” ayon kay Nava.
Matatandaang hinirang ang Brgy. Malabanias bilang pinakamalinis na barangay sa contest na isinagawa ng Angeles City LGU nitong 2024. #
The post Opisyal ng Brgy. Malabanias, nagpaalala na ‘wag magkalat; nakatambak na basura sa Abacan Loop, ipinalinis na first appeared on CLTV36.