LUNGSOD NG ANGELES – Iba-ibang timpla at malikhaing pamamaraan ng pagluluto ng matagal nang binansagang “the best pork dish in the world” ang itinampok sa Pork Sisig Cook Fest nitong Setyembre 7 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026.
Nilahukan ng mga kabataang mula sa iba’t ibang barangay at Alternative Learning System (ALS) programs ng lungsod, itinampok sa paligsahan ang pagbibigay ng bagong buhay sa isang paboritong pagkain habang pinapahalagahan ang kalinangan at tradisyoin na likas na Angeleño.


Itinanghal na kampeon ang ang Gueco Balibago ALS Community Team #2, habang pumangalawa ang Pampang ALS Community, at pumangatlo ang Angeles Elementary School ALS Community.


Nanguna sa pagsasagawa ng paligahan ang Angeles City Youth Development Office, SK Federation of Angeles City, at Angeles City Tourism Office, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng youth participation at pagpapahalaga sa kulturang Angeleño.



Sa suporta ni Mayor Carmelo “Jon” B. Lazatin II, patuloy na binibigyan ng espasyo at pagkakataon ang kabataang Angeleño upang maipakita ang kanilang talento, pagkamalikhain, at iwing kakayahan. Angeles CIO