PRE-EMPTIVE AT FORCED EVACUATIONS SA PAMPANGA

LUNGSOD NG SAN FERNANDO — Bilang pag-iingat sa patuloy na malakas hanggang matinding pag-ulan dulot ng habagat at sa Red Warning Level na inilabas ng DOST-PAGASA, ipinag-utos ngayong Agosto 28 ni Gov. Lilia “Nanay” Pineda, bilang chairperson ng provincial disaster risk reduction and management council, ang agarang pagpapatupad ng pre-emptive at forced evacuation sa mga high-risk at vulnerable areas sa buong Lalawigan ng Pampanga.

Inaasahang maaaring umabot sa 50–100 mm ang ulan hanggang tanghali ng Agosto 31, na maaaring magdulot ng malubhang pagbaha, partikular sa mga mabababang lugar, malapit sa mga ilog at daluyan ng tubig, at mga lugar na mataas ang panganib sa pagguho ng lupa.

Mahigpit na hinihikayat ang lahat na sumunod agad sa evacuation orders ng inyong LGU at barangay, iwasan ang mga bahang lugar, ihanda ang mahahalagang gamit at emergency kit, at patuloy na bantayan ang mga opisyal na abiso.

Huwag nang hintaying lumala ang sitwasyon bago lumikas. Kaligtasan ng bawat Kapampangan ang pangunahing prayoridad. Pampanga PIO