Muling idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng San Fernando ang Family Day at Sportsfest para sa mga Persons with Disabilities (PWDs) nitong Miyerkules, August 20.

Nagsimula ang programa sa Heroes Hall na sinundan ng isang walk for a cause patungong Megaworld Capital Town, Pampanga.
Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mas aktibong partisipasyon ng PWDs at ipakita ang suporta ng pamahalaan para sa kanilang sektor.

Pinangunahan ito ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO), at Community Affairs Division ng City Mayor’s Office.
Kabilang sa mga naging programa ang sayawan, kantahan, at walk activity na sinundan ng iba’t ibang palaro at cheering presentations. Nagpakitang-gilas din ang mga kalahok sa tradisyunal na Larong Pinoy.
Nakibahagi rin dito ang iba’t ibang organisasyon mula sa pampubliko at pribadong sektor bilang suporta sa inisyatiba, na layong tiyakin ang mas malawak na oportunidad at pagkilala sa mga Fernandinong PWDs. #
The post PWDs sa CSFP, tampok sa family day at sportsfest ng LGU first appeared on CLTV36.