Revitalized ‘Oplan Katok’ ng PNP tuloy

LUNGSOD NG SAN FERNANDO – Tuloy ang implementasyon ng revitalized “Oplan Katok” ng PNP sa kabila ng panawagan ng Commission on Elections na itigil na muna ang implementasyon nito ngayong halalan dahil sa pangambang baka magamit ito sa harassment.

Ayon kay PNP spokesperson at Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kahapon ay nagpulong ang Committee on Security and Ban on Firearms at nagkausap na rin sina PNP chie, Gen. Rommel Marbil at Comelec chairman Erwin Garcia patungkol dito.

Sa ngayon, ani Fajardo, ay magtutuloy-tuloy ang enforcement ng revitalized Katok.

Tiniyak ng PNP sa publiko at sa Comelec na hindi ito magagamit sa intimidation at harassment sa kahit sino lalo na ang mga tumatakbong kandidato at sinisigurado nila na hindi maaabuso ang kanilang regulatory power patungkol sa pagpaalala sa mga gun owners na mag-renew ng kanilang firearms registration at license to own and possess firearms (LTOPF).

Wala naman aniyang gagawin na pagbabago sa nasabing implementasyon at siniguro ni Fajardo na hindi kung sino-sino lang ang kakatukin na basta tinuro mga kandidato dahil ang subject ng revitalized Katok ang mga nasa data base lang ng firearms and explosives office na nagpaso na ang mga LTOPF at firearms registration.

During office hour lang aniya gagawin ang pagbisita sa mga gun owners.

Ayon pa kay Fajardo, as of Dec. 31, 2024 ay nasa mahigit 16,000 na ang mga nai-renew na baril at nasa 10,000 ang sinurrender muna sa PNP for safe keeping.

Ayon pa kay Fajardo sa Gitnang Luzon ay 121 na baril na ang nakumpiska mula sa mga checkpoint sa police operation habang nasa 126 naman ang arestado.

Pinakamataas na kaso ay sa Pampanga, Bulacan at Nueva Ecija.

Ayon pa kay Fajardo ang mga gun owners na wala pang kakayanan na makapag-renew ng kanilang mga registration ay hinihimok nila na i-surrender na muna ang mga baril sa kapulisan hanggang nasa ilalim ngayon ng election period at ibabalik din naman ito sa may-ari sa sandaling mairehistro o mairenew na ang mga ito.

The post Revitalized ‘Oplan Katok’ ng PNP tuloy appeared first on Punto! Central Luzon.