By Danica Jino, CLTV36 News
Umani ng atensyon ang pambato ng Pampanga na si Rhancoise Marie Mayangitan sa Miss Universe Philippines 2025 National Costume Competition dahil sa kanyang stunning at makasining na kasuotan na tinawag na “Indung Laut.”
Ang kanyang national costume ay isang obra maestra na kumuha ng inspirasyon mula sa isang Kapampangan sea goddess. Ang disenyo ay kumakatawan sa koneksyon ng kultura ng Pampanga sa kalikasan, lalo na sa anyong-tubig. Ang detalye ng costume ay punong-puno ng movement at sparkle — mula sa dumadaloy na tela na parang alon, hanggang sa shimmering effects nito na parang coral reefs, sea foam, at ang mga misteryo ng karagatan.

Sa Kapampangan mythology, si Indung Laut—na nangangahulugang “ina ng dagat”—ay isa sa mga pangunahing diyosang tagapangalaga ng katubigan at mga espiritu ng dagat. Kadalasang isinasalaysay sa mga kwento ang kanyang kakayahang kontrolin ang mga alon at pangalagaan ang lahat ng nilalang sa ilalim ng dagat.
Bitbit ni Rhancoise ang buong kwento ng kanyang lalawigan habang rumarampa sa stage—kaya naman standout siya sa crowd at umani agad ng papuri mula sa pageant fans online. #
The post Rhancoise Mayangitan ng Pampanga, standout sa Miss Universe PH National Costume sa suot na “Indung Laut” first appeared on CLTV36.