
Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas ligtas at matatag na Pampanga ang isinusulong ng Provincial Government sa pakikipagtulungan sa United Nations Development Programme (UNDP).
Sa ginanap na pagpupulong, tinalakay ng mga opisyal ng UNDP at ng Kapitolyo ang implementasyon ng SHIELD Programme o Strengthening Institutions and Empowering Localities Against Disasters and Climate Change.
Sa loob ng dalawang taon, ipatutupad sa Pampanga ang mga hakbang para sa mas maayos na land-use planning, hazard mapping, at disaster preparedness training.
Katuwang ng UNDP sa nasabing proyekto ang Department of the Interior and Local Government, UN-Habitat, Philippine Business for Social Progress, at Norwegian Refugee Council.
Ayon kay Governor Lilia “Nanay” Pineda, pangunahing banta na ngayon sa lalawigan ang pagbaha bunsod ng labis na pagka-silted ng Pampanga River.
Malaking tulong aniya ang SHIELD Programme upang magkaroon ng mga proyektong tulad ng drainage systems, sea walls, at early warning systems.
Kasama rin sa programa ang paggamit ng digital tools para sa mabilis na komunikasyon tuwing may kalamidad.
Sa harap ng patuloy na climate change at iba pang banta ng kalikasan, layon ng kooperasyon na ito na palakasin ang kakayahan ng mga LGU at komunidad na maghanda at makabangon mula sa mga sakuna. #
The post Safer & disaster-resilient Pampanga, layunin ng United Nations Development Programme at Kapitolyo first appeared on CLTV36.