Muling pinagtibay ng Pampanga Chamber of Commerce and Industry, Inc. o PamCham ang kanilang suporta para sa Pamahalaang Lungsod ng San Fernando sa isang dayalogo na ginanap nitong Martes, July 15.

Pinangunahan ni PamCham President Atty. Paul Yusi, kasama ang iba pang opisyal ng Chamber, ang courtesy visit kay Mayor Vilma Caluag kung saan inilatag nila ang kanilang mga pangunahing plano at adbokasiya para sa ikauunlad ng lungsod.
Kabilang sa mga tinalakay ang panukalang pagtatayo ng permanent flyover sa Dolores intersection, mga solusyon sa pagbaha sa timog na bahagi ng syudad, pagpapahusay sa serbisyo ng Prime Water, at mga hakbang para maibsan ang traffic.
Kasabay nito, inanunsyo rin ng PamCham ang nalalapit na pagbubukas ng Indian Business Forum and Roadshow na gaganapin sa lungsod ngayong Oktubre, katuwang ang Office of the Commercial Attaché ng Indian Embassy.
Target ng aktibidad na hikayatin ang Indian investors na makipag-ugnayan sa mga lokal na negosyante ng San Fernando.
Bilang organisasyong may higit 500 active members, patuloy ang PamCham sa pagtataguyod ng public-private collaboration para sa mas inklusibo at matatag na ekonomiya ng syudad. #
The post San Fernando LGU at PamCham, magkasangga sa progreso ng lungsod first appeared on CLTV36.