By MC Galang, CLTV36 News
Nagtapos sa isang engrandeng awards night ang kauna-unahang Kapampangan student-led short film competition na “Cuisinema Film Festival”.
Ginanap ang parangal sa Kingsborough International Convention Center (KICC), CSFP nitong Biyernes, June 27, sa pangunguna ng Arts, Culture, and Tourism Office of Pampanga (ACTOP).

Nangibabaw sa kompetisyon ang pelikulang “Kulkul (Arobung Camaru)” mula sa Holy Angel University (HAU) bilang 1st Best Film. Sumunod dito ang “Mara & Pi’s Loving Pasalubong (Sansrival)” ng National University-Clark (NU-Clark) bilang 2nd Best Film, at “Ganaka (Sisig)” ng Pampanga State Agricultural University (PSAU) bilang 3rd Best Film.
Ginawaran naman si Ghiewel Gomez ng HAU ng Best Director para sa Kulkul, habang si Lorenzo Guarin ang itinanghal na Best Actor sa kanyang pagganap bilang “Baste” sa parehong pelikula. Nakamit ni Aya Ranas ang Best Actress award para sa Sansrival, habang si Sean Baluyut ng HAU at si Aby Maaghop ng Kokak mula sa Guagua National College ang nanalo bilang Best Supporting Actor at Best Supporting Actress.
Para naman sa Special Jury Awards, pinarangalan sina Angel Martinez mula sa HAU at Ma. Cristina Villanueva ng NU-Clark.
Hakot-award din ang HAU sa mga kategoryang Best Movie Poster, Best Production Design, Best Screenplay, Best Cinematography, at Pampanga Cultural Award. Samantala, itinanghal naman ang Guagua National College bilang Best Soundtrack awardee.
Layon ng naturang film fest na isulong ang sining ng pelikula at kulturang Kapampangan. #
The post Sining at kultura ng Pampanga, buhay na buhay sa unang Cuisinema Film Festival first appeared on CLTV36.