By Rhandol Nixon Lapuz, CLTV36 News intern
Nagbabahagi ngayon ng mga Salita ng Diyos si Vice Gubernatorial candidate Eddie “Among Ed” Panlilio sa kanyang Facebook page kasabay ng pagsisimula ng kanyang kampanya para sa darating na Midterm Elections.
Kamakailan lang, tumungo sa iba’t ibang bahagi ng 4th District si Panlilio kasama ang kanyang running mate at Gubernatorial candidate Danilo Baylon upang paigtingin ang kanilang kampanya para umano sa pagbabago ng mga sistema sa probinsya.
Matatandaang nagsilbi bilang 31st Governor ng Pampanga si Panlilio noong 2007 hanggang 2010. Dati rin siyang parish priest bago nasuspinde nang labagin ang 1983 Code of Canon Law dahil sa pagtakbo sa politika.
Tatangkain ni Panlilio na muling makabalik sa pwesto at ipagpatuloy ang mga nasimulang proyekto sa kabila ng kanyang personal na laban sa sakit na vitiligo.
The post Vice Gubernatorial candidate Ed Panlilio, aktibo sa pangangampanya gamit ang social media first appeared on CLTV36.